Muling umarangkada ang walang humpay na pagpapalaganap ng Project EDUCALIBRE o Project Education Learners Incentive Bucket through Resourceful Engagement ng 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company na isinagawa sa Barangay Ponggo, Nagtipunan, Quirino noong ika-17 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Janette B Bongtiwon, Admin PCO ng 2nd Quirino PMFC, kasama ang Company Advisory Group sa pangunguna ni Mr. Nolie S Tigas, Chairperson katuwang lokal na pamahalaan ng Nagtipunan, mga mag-aaral, residente at mga opisyales ng Barangay.
Itinampok sa nasabing aktibidad ang libreng gupit, parlor games, pamamahagi ng grocery items at pagbibigay ng dagdag kaalaman ukol sa Anti-Terrorism at Anti-Rape Law na nakapagbenepisyo sa 45 mag-aaral at sampung residente ng nasabing bayan.

Samantala, layunin ng aktibidad na ito na patuloy na makikipagtulungan ang gobyerno sa mamamayan upang maghatid ng maayos at magandang serbisyo sa publiko na siyang magiging tulay ng matibay na ugnayang pulis at mamamayan sa pagtataguyod ng tiwala, kooperasyon, at kapayapaan sa ating lipunan bilang pagsuporta sa EO 70 NTF-ELCAC tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Secondqpmfc Qppo
Panulat ni Pat Donnabele Galang