Nasabat ng Cebu PNP ang Php3 milyong halaga ng shabu sa dalawang naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tomonoy, Moalboal, Cebu, noong ika-16 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant C Ananayo Jr., Chief ng Provincial Intelligence Unit / Police Drug Enforcement Unit, Cebu Provincial Police Office, ang dalawang suspek na sina “Cristopher”, 32, High Value Individual at residente ng Tangke 1, Naga City, Cebu at “Febie”, 38, Street Level Individual at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tunga, Moalboal, Cebu.
Bandang 3:40 ng madaling araw ng ikinasa ng pulisya ang nasabing buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkakumpiska ng 14 plastic sachets at 3 plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 450 gramo at Php3,060,000, isang (1) unit revolver caliber .9mm, isang (1) unit pistol caliber .9mm, 10 piraso ng bala para sa caliber .9mm, isang (1) steel magazine, belt bag at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit, CPPO, at Moalboal MPS.
Ang kapulisan ng Cebu ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga at lahat ng uri ng kriminalidad para matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng komunidad dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: PIU/PDEU SR
Panulat ni Pat Grace Coligado