Ipinagdiwang ng mga Muslim ang Eid’l Adha kasama ang mga PNP personnel ng Tacloban City Police Office nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024 sa Downtown, Tacloban City.
Ipinakita ng mga kapulisan ang suporta sa pangunguna ni Police Colonel Michael P Palermo, City Director ng Tacloban City Police Office, sa pamamagitan ng pagbibigay police visibility patrol, security assistance at traffic management sa Eid Congregational Prayer ng ating mga Muslim brothers and sisters.
Kasama sa nakiisa ay si Police Corporal Aldrine D Bajade, Salaam Police Non-commission Officer kasama ang iba pang mga tauhan ng Muslim PNP sa kongregasyonal Eid prayer na pinangunahan ni Ustadh Saad Bin Ahmad.
Ang nasabing aktibidad ay nagpapaalala sa mga Muslim ng ganap na pagsunod ni Propeta Abraham sa Allah (Diyos) sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kapistahang ito.
Ayon sa kaugalian, ang Eid’l Adha ay ipinagdiriwang sa pagdadasal sa madaling araw, pag-alay ng hayop, pagbabahagi ng pagkain, at pagbibigay ng regalo.
Ang Eid’l Adha o ang kapistahan ng pag-aalay ay isa sa dalawang pinakadakilang kapistahan ng Islam, na karaniwang tumatagal ng tatlong araw.
Ang pambansang pulisya ay laging nakaantabay upang ipakita ang suporta sa anumang okasyon na ipinagdiriwang sa ating komunidad.
Panulat ni Ummah