Timbog ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 2 ang isang High Value Individual sa ikinasang operasyon sa Barangay 7, Limaha, Butuan City pasado 1:40 ng madaling araw nito lamang Hunyo 16, 2024.
Kinilala ang nadakip na si Alyas “Dol”, 27 anyos, driver, at residente ng P-9, Barangay Limaha, Butuan City.
Sa operasyon, nakumpiska ang 8 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php54,400 at Php1,000 bill na ginamit na buy-bust money.
Patuloy ang Butuan PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang payapa at maayos na komunidad tungo sa layunin ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin