Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Bataan 2nd Police Provincial Mobile Force Company sa Barangay Mabayo, Morong, Bataan nito lamang Sabado, ika-15 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Elias L Tait, Force Commander ng nasabing yunit, katuwang ang Kaligkasan Warrior at Barangay Officials.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis sa pamamagitan ng pagtipon-tipon ng mga basura gamit ang mga sako bilang pagmamalasakit sa ating yamang-dagat at naglalayong makabuo ng mas malinis na katubigan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Ang aktibidad ay kaakibat ng adhikain ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hikayatin ang mamamayan na maging bahagi ng pangangalaga sa kapaligiran.
Panulat ni Patrolwoman Janice M Bulahao