Boluntaryong nagbalik-loob ang dalawang supporters ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamahalaan sa Zamboanga Del Norte nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Najib B Alip, Officer-In-Charge ng Siayan Municipal Police Station, ang dalawang nagbalik-loob na sina alyas “Al-al”, 30 anyos, babae, walang asawa, at si alyas “Dion”, 33 anyos, lalaki, may asawa, parehong residente ng Sitio Tumanong, Barangay Macasing, Zamboanga Del Norte at kapwa mga supporters ng ZNCTG WMRPC ng CNT Masang Koriyer sa ilalim ng MRGU, WMRPC.
Ang mga sumukong miyembro ay nanumpa na tatalikuran ang maling gawain at nakatanggap ng agarang tulong galing sa pamahalaan.
Hinimok ng PNP ang mga natitirang miyembro ng CTGs na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Iintegration Program at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan na magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.