Arestado ang Top 4 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Zainalabedin, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Sahibon N Mamantal, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Noro”, 30 anyos, drayber, residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa isinagawang operasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP katuwang ang Provincial Intelligence Unit – Maguindanao del Norte, Provincial Special Operations Group – Maguindanao del Norte, 2nd Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence and Detection and Management Unit – Maguindanao del Norte sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya