Wednesday, May 14, 2025

Partner ng durugista, arestado sa drug buy-bust

Arestado ang isang babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 sa Barangay Zamora-Milleza, Dela Rama Compound City Proper, Iloilo City nito lang ika-15 ng Hunyo 2024.

Kinilala ni Police Captain Glenn Soliman, Officer-In-Charge ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, ang suspek na si alyas “Joy”, 41 anyos, at residente ng Dela Rama Compound City Proper, Iloilo City.

Narekober sa suspek ang walong (8) medium size plastic sachet, buy-bust money, cellphone, passbook na may malalaking halaga ng pera, at limang (5) malalaking plastik ng pinaghinihinalang shabu na may bigat na higit-kumulang 550 gramo.

Ayon kay PCpt Soliman na matagal na nilang minamanmanan ang suspek at nalaman nilang sa Manila ito tumitira. Kung umuuwi ito sa Iloilo City, may dala itong shipment ng droga.

Ang suspek ay may iba pang courier ng droga at siya ang nag-uutos para sa distribusyon at nangongolekta ng pera sa pamamagitan ng online transaction.

Ang live-in partner ng naturang suspek ay isang kilalang durugista sa Rehiyon Sais na si alyas “Jovan”, na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na papaigtingin pa ng Iloilo City PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang seguridad at katahimikan ng kanilang nasasakupan.

Panulat ni Pat Julius Sam Accad

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles