Friday, May 9, 2025

Php102K halaga ng shabu nasabat sa Top 10 Regional Target at Top 9 HVI

Nasabat ang tinatayang Php102,000 halaga ng shabu sa isang tinaguriang Top 10 Regional Target at Top 9 High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Barangay Blanco, Balingasag, Misamis Oriental nito lamang Hunyo 13, 2024.

Ayon sa ulat, bandang 6:30 ng hapon ikinasa ang operasyon na pinangunahan ng Balingasag Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang alyas “Edgar”, lalaki, 43 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Zone 2B, Igpit, Opol, Misamis Oriental at kinilalang Top 10 Regional Target at Top 9 High Value Individual.

Nakumpiska mula sa suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 gramo at may Standard Drug Price na Php102,000, at limang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng pulisya sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa maayos at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Junia Tria Molinos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles