Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004 sa isinagawang law enforcement operation ng mga awtoridad sa Poblacion, Siocon, Zamboanga del Norte nito lamang ika-10 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Jumar C Nabua, Officer-In-Charge ng Siocon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Nong”, 33 anyos, lalaki, may asawa, at residente ng Sirawai Proper, Sirawai, Zamboanga del Norte.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Siocon MPS, Zamboanga City Police Station 11, 2nd Zamboanga City Provincial Mobile Force Company at 2nd Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong may atraso sa batas para mapanatiling ligtas ang komunidad at ipatupad ang kapayapaan para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Franco