Nagsagawa ang Enrile PNP ng Tree Planting Activity sa Barangay Lanna, Enrile, Cagayan nito lamang ika-9 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Marlyn Banan, Pulis Sa Barangay ng Enrile Police Station, katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Barangay Lanna.
Layunin nito ang magbigay ng kamalayan sa lipunan sa kahalagahan ng pagtatanim, pag-iingat sa mga puno at pagpapahayag ng pagmamalasakit sa kapaligiran upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima.

Layunin din nitong mailayo ang kabataan sa banta ng Terorismo at masamang impluwensya ng ilegal na droga. Ito din ay bahagi ng PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong pangalagaan ang ating kalikasan.
Source: Enrile Police Station
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus