Sunday, May 25, 2025

Apat na pulis, arestado sa pagkidnap sa dalawang dayuhan

Arestado ang isang Police Major at tatlo pang pulis dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagkidnap sa dalawang dayuhan noong Linggo, ika-2 ng Hunyo 2024 sa Pasay City.

Kinilala ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang mga naarestong pulis na sina Police Major Christel Carlo A Villanueva alyas “Tatoy” at Intelligence Officer ng Pasay City Police Station; Police Senior Master Sgt. Angelito David alyas “Goliath”, nakatalaga sa Makati City Police Station Motorcycle Unit; Police Staff Sgt. Ralph Tumanguil alyas “Tom”, mula sa Regional Logistics Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO); at Police Master Sgt. Ricky Tabora alyas “Bong”, mula sa Regional Headquarters Support Unit, NCRPO.

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa kidnapping activity na kinasasangkutan ng apat na Chinese nationals na sakay ng Sports Utility Vehicle (SUV) bandang 12:30 ng madaling araw noong Hunyo 2 sa kahabaan ng Taft Avenue sa Pasay City.

Dalawa sa mga Chinese National ang puwersahang dinala habang ang dalawa pa ay nakatakas at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay, na siya namang nag-ulat ng insidente sa lokal na pulisya.

Ang dalawang dinukot na Chinese, ayon kay Sec. Abalos, ay pinalaya noong Lunes, Hunyo 3, matapos magbayad ng humigit-kumulang Php2.5 milyon bilang ransom.

Ayon kay PGen Rommel Francisco Marbil, hepe ng Philippine National Police (PNP), nagsasagawa na sila ngayon ng imbestigasyon para matukoy ang iba pang mga suspek na sangkot sa kidnapping.

Sabi nman ni NCRPO Director Police Major General Jose Melencio Nartatez, Jr., inihahanda na ang mga kasong administratibo laban sa apat na pulis para sa mabibigat na pagkakasala na maaaring humantong sa kanilang pagkakatanggal sa serbisyo.

Photo Courtesy by OCPNP

Panulat ni Tintin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles