Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Bataan First Provincial Mobile Force Company, 3rd Platoon sa Barangay Sto. Cristo, Hermosa, Bataan nito lamang Sabado, ika-1 ng Hunyo 2024.
Naging matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Joel Tio R Orias, Force Commander ng Bataan 1st PMFC katuwang ang mga residente ng nasabing Barangay.

Ang mga nasabing nakilahok ay sama-samang nagbunot ng damo, namulot ng mga basura at nakalikom ng sako-sakong mga basura.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa komunidad na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan at mapangalagaan ang kapaligiran.
Panulat ni Pat Bulahao