Hulog sa kamay ng kapulisan ng Cebu City Police Office ang 31-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng nasa 55 gramong shabu na umaabot ang halaga sa Php374,000 kasunod ng buy-bust operation na inilatag sa Sitio Upper Laguerta, Barangay Busay, Cebu City noong Sabado, Hunyo 1, 2024.
Batay sa report ng Cebu City Police Office, makalipas ang halos isang linggong surveillance ng kapulisan, pasado alas-7 ng gabi ng mailatag ng mga operatiba Police Station 4 ang operasyon na humantong sa matagumpay na pagkakadakip ng suspek na kinilalang si alyas “Robert”.
Mahaharap ang suspek sa patung-patong na reklamo kaugnay sa iligal na droga.
Tinitiyak ng buong kapulisan ng CCPO sa liderato ni PCol Ireneo B Dalogdog City Director, ang higit na pagpapaigting sa kampanya kontra iligal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.
SOURCE: CCPO SR
Panulat ni Pat Edmersan Llapitan