Kalaboso ang isang lalaking tulak ng ilegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Purok Bayanihan, Barangay Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro noong ika-1 ng Hunyo 1, 2024.
Kinilala ang nahuling suspek na si alyas “Jeff”, 40 taong gulang, isang vendor na residente ng Barangay Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro, Nakalista bilang isang Street Level Individual (SLI).
Nadakip ang suspek matapos siyang mabilhan ng poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa operasyon ng Municipal Drug Enforcement Unit ng San Jose MPS katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Occidental Mindoro PPO at Occidental Mindoro PDEA.
Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkumpiska ng iba pang ebidensya kabilang ang tatlong buhay na panabong na manok, perang taya na nagkakahalaga ng ₱850.00, at isang piraso ng tari. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dadalhin sa Provincial Forensic Unit sa San Jose para sa pagsusuri at ang iba pang ebidensya ay ihaharap sa Tanggapan ng Piskal sa San Jose para sa kaukulang aksyon.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng San Jose MPS at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay bunga ng mahusay na ugnayan at pagtutulungan ng mamamayan at kapulisan sa komunidad.
Ang direktiba ni PCol Jun Dexter D. Danao, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ay nagpapatibay sa pagpuksa ng ilegal na droga sa lalawigan. Ang kanilang layunin ay mapanatili ang kaayusan at kapayapaan para sa kaunlaran ng bansa.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
Panulat Ni Patrolwoman Desiree Padilla