Masugid na nakiisa ang mga tauhan ng RPCADU 7 sa Community Outreach Program “Children’s Haven” sa pamumuno ni Police Colonel Leoncio B Baliguat Jr. na ginanap sa Ground Floor Interim Bldg., Carbon Market, Cebu City, Cebu, bandang 9:30 ng umaga noong Hunyo 1, 2024.

Ang aktibidad ay inorganisa at inisyatiba ng Police Station 5, Cebu City Police Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Philip John D Libres, Officer In-charge kasama ang Community Bible Study International (CBSI), Code Red Movement, Citizen Intelligence Action Force 7, Restore Trauma Care Team at Women’s Association ng Barangay Ermita Volunteers.
Sa naturang aktibidad ay tampok ang praise and worship, educational games at iba pa na siyang kinagiliwan at nagbigay ngiti sa mga bata ng nasabing lugar.

Mas pinaiigting pa rin ng kapulisan ang paghahatid ng magandang serbisyo para sa mamamayan tungo sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: PCADG Central Visayas
Panulat ni Patrolwoman Monica W Labajo