Timbog ang Top 4 Regional Most Wanted Person sa isinagawang Oplan Pagtugis ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Cotabato City Field Unit sa Sitio Remegubrob, Barangay Pilar, South Upi, Maguindanao Del Sur nito lamang ika-1 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel T Huesca, Regional Chief ng CIDG RFU BAR, ang suspek na si alyas “Jay-ar”, 31, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Bandang 7:30 ng gabi ng nasabing petsa nang matagumpay na ikinasa ang Oplan Pagtugis ng mga tauhan ng CIDG Cotabato CFU katuwang ang CIDG Maguindanao del Sur PFU, Regional Special Operations Unit Team RFU BAR, Regional Investigation and Detection Management Division Tracker Team ng PRO BAR at South Upi Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ito rin ay nakatala sa E-Warrant System bilang Top 1 MWP sa Municipal Level ng South Upi MPS at Top 4 MWP sa Regional Level ng PRO BAR..
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Ma. Señora J Agbuya