Nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Davaoeños sa naging hatol sa 35 na Davao City Police Office Personnel na Administrative Relief.
Isa na rito si Davao City Mayor Honorable Sebastian “Baste” Duterte na naglabas ng pormal na pahayag sa kanyang Official Page, aniya na, “Ang mga opisyal na nahahalungkat, kasama na ang iginagalang na City Director Col. Bad-ang at ang mga Station Commander, ay nagpakita ng di-mababago at tapat na pagtupad sa kanilang mga responsibilidad.
Bukod pa rito, may malalakas na ebidensya na sumusuporta na pagpapatunay na ang mga buy-bust operation ay isinagawa sa loob ng hangganan ng batas. Ang anumang paghahalintulad ng hindi magandang asal mula sa kanilang bahagi ay walang basehan at hindi makatarungan.”
Depensa naman ng Police Regional Office XI, “Ang kamakailang aksyon sa 35 kawani ng DCPO ay batay sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service 11 (RIAS 11) upang ilagay ang mga kawani sa ilalim ng administrative relief. Ang ganitong aksyon ay hindi ginawa nang basta-basta, kundi sa pamamagitan ng masusing pagsusuri upang makamit ang katotohanan. Mahalagang tandaan, gayunpaman, na ito ay ayon sa pagsunod sa procedural due process na naglalayong tiyakin ang transparency at accountability ng mga opisyal ng publiko”.
Ang opisyal na pahayag na ito ng Police Regional Office XI ay nagbigay linaw sa lahat na ang aksyong ito ay naaayon pa rin sa procedural due process kaya naman ay hindi nararapat mangamba.