Tinatayang Php1,440,000 halaga ng marijuana dried stalks with fruiting tops ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Kilong, Poblacion, Kibungan, Benguet nito lamang ika-26 ng Mayo 2024.

Ayon kay Police Colonel Joseph Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet PPO, Regional Intelligence Division, PRO Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng marijuana dried stalks with fruiting tops na may timbang na 12,000 gramo na nagkakahalaga ng Php1,440,000 Standard Drug Price.

Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana stalks ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug-free ang ating bansa.
Panulat ni PSSg Juderick S Tasing