Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation ng Tigbauan Municipal Police Station-Special Drug Enforcement Team sa Barangay 1 Poblacion, Tigbauan, Iloilo noong ika-25 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Jorge Lenantod, hepe ng Tigbauan MPS, ang mga arestadong suspek na si alyas “Onyok, 43 anyos, walang asawa, walang trabaho at residente ng Barangay 1, Tigbauan, Iloilo at si alyas “Ian”, 19 anyos, walang asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Dorong-an, Tigbauan, Iloilo.
Ang operasyon ay isinagawa ng Tigbauan MPS katuwang ang mga tauhan ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company at nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang 16 gramo na may tinatayang Standard Drug Price na Php108,800.
Bukod pa rito, nakuha sa mga suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet, pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, Php7,100.00 buy-bust money at iba pang non-drug items.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Iloilo PNP ay hindi titigil sa pagpuksa sa mga taong gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga upang mapangalagaan ang bawat miyembro ng komunidad na maging ligtas tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Iloilo Police Provincial Office
Panulat ni Pat Ryza Valencia