Nasabat ng Liloan PNP ang Php207,740 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Molave 9, Sitio Bakante, Barangay Tayud, Liloan, Cebu, noong ika-26 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Eric C Gingoyon, hepe ng Liloan Municipal Police Station ng Cebu Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Allan”, 54 anyos, “Jocelyn”, 59 anyos, at “Kristen”, 60 anyos, na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 11:40 ng umaga ng ikinasa ng operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek at pagkakumpiska ng 17 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 30.55 gramo at may Standard Drug Price na Php207,740, at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Liloan PNP ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: Liloan MPS SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado