Timbog ang isang lalake sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Regional Drug Enforcement 9 at TEAM Police Regional Office 9 sa Upper HB Home, Barangay Sinunuc, Zamboanga City nito lamang ika-24 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Jilbert T Escobin, Team Leader ng RDEU 9 ang naarestong suspek na isang lalake, 36 taong gulang, at residente ng upper HB Home, Barangay Sinunuc, Zamboanga City.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat na piraso ng plastic na hinihinalang shabu na may timbang na 1,200 na gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php8,160,000, isang tunay na pera na Php1,000 bill na marked money, na may serial number na PH037978, 59 piraso na Php1,000 bill na bogus money na may serial number na UV287099 at isang sling bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Kaye Francisco