Naaresto ng Batangas PNP ang isang Most Wanted Person sa Provincial Level sa isinagawang manhunt operation sa Blumentritt St., Barangay 364, Sta. Cruz, Manila bandang 3:40 ng hapon noong Mayo 24, 2024.
Kinilala ni PLtCol Jephte Franje Banderado, hepe ng Batangas Component City Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Teng”, 52 taong gulang, katutubo at residente ng Barangay Talahib Payapa, Lungsod ng Batangas.
Sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng warrant personnel ng Batangas City Police Station (Lead Unit), kasama ang PIU Batangas PPO, 1st Batangas PMFC/1st Platoon/TSP, at MARPSTA Batangas, ay nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 12 ng Repiblic Act 9165 (2 counts) na walang piyansa.
Patunay lamang na ang pulisya, kasama ang iba pang mga ahensya ng gobyerno, ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin laban sa kriminalidad na naaayon sa mga plano ng gobyerno upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad, at upang makamit ang isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Batangas CCPS
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales