Mahigit Php600,000 halaga ng hinihinalaang shabu ang nakumpiska ng Bulacan PNP sa dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan nito lamang Huwebes, ika-23 ng Mayo 2024.
Kinilala ni PLtCol Jowilouie Bilaro, Acting Chief of Police ng Guiguinto MPS, ang naarestong suspek na sina alyas “Michael”, 45 at alyas “Amang”, 55, na parehong residente ng 121 Barangay Pulong Bayabas, San Miguel, Bulacan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 89.98 gramo at may Standard Drug Price na Php611,800.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 amended by RA 10640.
Ayon kay PCol Relly B Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang Bulacan PNP ay walang tigil sa pagsasawata at pagpapaigting ng kampanya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga para masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Guiguinto MPS, Bulacan
Panulat ni Janeth Ballad