Arestado ang isang indibidwal sa kasong Attempted Parricide at Republic Act 9165 sa Purok Balabaran, MB Tamontaka, Cotabato City noong ika-23 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Rustan P Deaño, Station Commander ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office, na si alyas “Yuso”, 26-anyos, na residente ng naturang lugar.
Bandang 8:00 ng gabi ng nasabing petsa nang magpunta ang mga Barangay Officials ng MB Tamonka sa nasabing istasyon tungkol sa isang pangyayari sa naturang lugar na agad namang tinungo ng mga awtoridad at bumungad ang naturang suspek na may hawak ng kutsilyo at kasalukuyang nananaksak sa biktima. Agad namang napigilan ng mga operatiba ang suspek at inaresto ito.
Samantala, nakumpiska rin mula sa naarestong suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent sachet na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 0.2gramo at isang pirasong improvised tube tooter.
Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong Attempted Parricide at Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”..
Patunay lamang na ang operasyon na ito na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan na patuloy na gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga nagkasala sa batas para magkaroon ng ligtas at maayos na bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Ma. Señora J Agbuya