Nakiisa ang Sto. Domingo PNP sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay San Vicente, Sto. Domingo, Albay nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga Barangay Officials ng naturang lugar katuwang ang Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at mga residente ng nasabing lugar.

Ang paglilinis ng grupo ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng “Sarung Banggi Festival 2024”.
Hinihikayat ng PNP ang mamamayan na patuloy na pahalagahan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran alinsunod sa programa ng pamahalaan na “Kalinisan sa Bagong Pilipinas”.
Source: Sto. Domingo MPS Albay PPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia