Arestado ang Top 5 City High Value Individual at apat pang drug personality sa Block 29, Lot 9, Boston St., Molave Homes, Phase 2, Davao City nito lamang Mayo 18, 2024.
Kinilala ni Police Major Jose Rodrigo Mendoza, Station Commander ng Mandug Police Station, ang mga suspek na si alyas “King”, 33 anyos na siyang tinaguriang Top 5 City High Value Individual, alyas “June”, alyas “Glen”, alyas “Christopher” at alyas “Djan”.
Ang mga suspek ay naaresto sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng nasabing istasyon, Technical Support Company, RMFB 11 at PDEA kung saan ay narekober mula sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 5 gramo at may Standard Drug Price na Php34,000, improvised foil tooter, improvised foil funnel, improvised glass tube, keypad cellphone at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang laban kontra ilegal na droga ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Aligre L Martinez alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino