Friday, November 1, 2024

Sumukong NPA, nakatanggap ng tulong pinansyal

Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company (SCPMFC) ang isang kaanib ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan nito lamang Mayo 15, 2024.

Bukas palad na tinanggap ni Police Lieutenant Colonel Rey D Egos, Force Commander ng 1st SCPMFC, ang ginawang pagsuko ng dating kasapi ng NPA mula sa Guerilla Front (GF) Alip ng Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) na si alyas “Jun-Jun”, 40 anyos, may asawa at residente ng Barangay Bacong, Tulunan, North Cotabato.

Maliban sa tinanggap na cash assistance ng dating rebelde, nakatanggap din ito ng dalawang sako ng bigas mula kay PLtCol Egos na kanyang magagamit para sa pagbabagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Ipinakita naman ng Former Rebel ang taos-pusong pagbabalik-loob sa pamahalaan at nangako na kanyang tatalikuran ang maling gawain ng komunistang teroristang grupo. Sa katunayan, isinuko na rin nito ang kanyang armas na isang yunit ng Cal. 38 revolver na may kasamang apat na bala, at isang yunit ng Rifle Grenade.

Samantala, tiniyak naman ni PLtCol Egos na sumailalim sa masusing pagsisiyasat ng Philippine National Police (PNP) ang rebeldeng nagbalik-loob bago irekomenda sa pamahalaang panlalawigan upang maaaring pagkalooban ng tulong pinansyal at iba pang tulong pangkabuhayan.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang hanay sa kampanya kontra armadong pakikibaka alinsunod sa Executive Order No. 70 hanggang sa makamit ng lalawigan ang pagiging ligtas sa insurhensiya.

Panulat ni Pat kwerwin Jay medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles