Friday, November 1, 2024

Dalawang drug suspek, arestado sa buy-bust operation

Arestado ang dalawang drug suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng Roxas Municipal Police Station (MPS) kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Palawan at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) R4B sa Roxas, Palawan noong ika-15 ng Mayo 2024

Kinilala ang dalawang drug suspek na sina alyas “Julaydi,” 42 taong gulang, at alyas “Nel,” 33 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Pulot, Sofronio Española, Palawan.

Bago sila madakip, nabilhan muna ang mga suspek ng isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 0.60 gramo at nagkakahalaga ng Php1,500.

Sa patuloy na body search sa mga suspek, nakuha pa sa kanilang pag-iingat ang karagdagang 11 pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang ilegal na droga na may kabuuang timbang na 16.55 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php77,265.

Kaugnay nito, ang dalawang drug suspek ay mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa ilang probisyon ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mabilis na aksyon ng mga awtoridad ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. Ito ay isang malinaw na mensahe sa lahat ng sangkot sa ilegal na kalakaran ng droga na hindi magdadalawang-isip ang mga awtoridad na arestuhin at papanagutin ang sinumang mahuhuling lumalabag sa batas.

Patuloy na magbabantay at magpapalakas ng kanilang mga operasyon ang mga pulis upang masiguradong ligtas ang komunidad mula sa mga elementong nagdadala ng kapahamakan sa kanilang lugar.

Source: Thunder News Philippines

Panulat Ni Pat Desiree Padilla

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles