Tuluyan nang winakasan ng dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan sa Samar Police Provincial Office, Camp Lukban, Maulong, Catbalogan City, Samar nito lamang Mayo 15, 2024.
Kinilala ni Police Major Neilmar T Retana, Acting Chief PIU, ang dalawang nagboluntaryo na si alyas “Ka Roda”, 52 anyos at residente ng Poblacion 1, Catbalogan City, Samar at si alyas “Ka Noning”, 55 anyos, residente ng P2 Barangay Mercedes, Catbalogan City, Samar.
Ang kanilang boluntaryong pagbalik-loob ay resulta ng patuloy na negosasyon ng mga tauhan ng PIU- Samar PPO at RID 8 Tracker Teams.
Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko rin ng isang unit na .38 caliber revolver at limang bala.
Ang mga nasabing surrenderee ay nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil nais nilang mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ang kanilang pagsuko ay isang malinaw na pagpapakita na mabisa ang Whole-of-the-Nation Approach to End Insurgency sa ilalim ng EO 70 na nagpapatibay sa NTF-ELCAC ng gobyerno.
Ang PNP ay laging handang tanggapin ang ating mga kapatid na gustong isuko ang kanilang sarili at mga armas at para na rin tuligsain ang kanilang katapatan sa mapanlinlang na organisasyon.
Panulat ni Patrolwoman Christine Reyna T Tolledo