Wednesday, February 5, 2025

Mahigit Php1 milyong halaga ng shabu, nasabat ng Tarlac PNP

Tinatayang mahigit Php1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Tarlac PNP sa dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion J, Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PMaj Perfecto F Demayo Jr, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Boyet”, 55 anyos at alyas “Boy”, 57 anyos, at parehong residente ng nasabing lugar.

Nasabat sa mga suspek ang walong pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang Isang Daan at Pitumpu’t Limang gramo at may standard drug price na Php 1,190,000.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang isang libong peso bill na ginamit bilang marked money at iba pang drug parapernalia.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang Tarlac PNP sa pagpapalakas ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang tuluyan ng masugpo ang paglaganap nito at para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles