Arestado ng San Pedro PNP ang isang High Value Individual sa Twin Therese Inn, Barangay 76-A, Bonguyan, Davao City nito lamang ika-11 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Michael S Uyanguren, Station Commander ng San Pedro Police Station, ang suspek na si alyas “Bert”, 61 anyos, Admin Officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas at residente ng 37 Scorpio Street., Doña Luisa Subdivision, Phase 2, Matina, Davao City.
Ang suspek ay naaresto sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng San Pedro Police Station at PDEA XI na nagresulta sa pagrekober ng isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 0.76 gramo na may Standard Drug Price na Php5,168, android phone at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Aligre L Martinez alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino