Arestado ang isang Sreet Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Siay Municipal Police Station sa Purok 2, Barangay Dacanay, Siay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-10 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Richard Rodolfo A Pataueg, Acting Chief of Police ng Siay MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Boy”, 25 taong gulang, lalaki, at residente ng Purok 6, Barangay Poblacion, Siay, Zamboanga Sibugay.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang hinihinalang shabu, isang 500-peso bill na marked money at may serial number na VC596421, isang 200 peso bill, dalawang 50 peso bill at isang 20 peso bill, isang unit ng MC SKYGO 110 motor na kulay itim.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng PNP alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa ligtas, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Kaye Francisco