Arestado ang isang High Value Target sa isinagawang joint buy-bust operation sa Purok 5, Barangay East Kilikili, Wao, Lanao del Sur noong ika-10 ng Mayo 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Abdul”, 24 anyos na naninirahan sa Bato Bato, Maguing, Lanao del Sur.
Matagumpay na naaresto ang suspek sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit, mga operatiba ng Wao MPS, 3rd Platoon 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, Regional Drug Enforcement Unit at Provincial Drug Enforcement Agency BARMM na may koordinasyon ng IMEG at Regional Investigation Unit.
Nasabat mula sa suspek ang malaking halaga ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, Php1000 peso bill at 99 piraso ng tig-isang libong photocopied money na ginamit bilang buy-bust money.
Patuloy na paiigtingin ng PNP BARMM ang paghuli sa mga taong nagpapalaganap ng pinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui