Timbog ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Carnapping sa Pulauan Port, Barangay San Vicente, Dapitan City noong ika-9 ng Mayo 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Kevin”, 29 anyos at naninirahan sa Barangay Alihis, Bacolod City.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa isinagawang operasyon ng Marawi City Police Station bilang lead unit katuwang ang Dapitan CPS, 901st Regional Mobile Force Batallion, Dapitan City Philippine Coast Guard, Port Management Office, at Port Police Division sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping na may piyansang Php300,000.
Bukod dito, ang naturang suspek ay kinilala din bilang Top 7 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Lanao del Sur PPO at Top 3 sa Municipal Level ng Marawi City PS.
Patunay lamang na ang kapulisan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad at magkaroon ng maunlad na sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui