Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Tantangan PNP sa Crossing Kulot, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato nito lamang Mayo 11, 2024.
Kinilala ni Police Major Erika N Vallejo, Officer-In-Charge ng Tantangan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Tisoy”, 40, may asawa, operator ng chainsaw, residente ng Purok Sampaguita, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay PMaj Vallejo, nakuha mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, isang (1) pirasong Php500 bill na buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng malaking suporta sa bagong programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kampanya kontra droga sa bansa, na itinuturing niyang pangunahing hakbang sa pagtataguyod ng isang “Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Rhesalie Umalay