Nasabat ang Php403,000 halaga ng smuggled cigarettes ng mga operatiba ng Molave Municipal Police Station katuwang ang 3rd Platoon 1st ZSPMFC, Aurora MPS, at 902nd MC RMFB9 nito lamang ika-8 ng Mayo 2024.
Ayon sa ulat, bandang 8:30 ng gabi nang magsagawa ng operasayon ukol sa ilegal na aktibidad sa smuggled cigarettes, may natanggap na tawag ang Molave MPS galing sa confidential na impormante na may nakita silang dalawang kaha ng smuggled na sigarilyo na ibinaba sa kulay pula na Toyota Revo.
Nasabat mula sa suspek ang walong kaha ng astro white cigarettes na may (345) three hundred forty-five reams at walong kaha ng red cigarettes na may (467) four hundred sixty-seven reams na astro red cigarettes na may kabuuang halaga na Php403.000.
Panulat ni Pat Kaye Francisco