Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang Anti-Illegal Drugs Operation ng Tacurong City Police Station sa Purok 4, Gen. Luna, Barangay Poblacion, Tacurong City nito lamang Mayo 10, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Bryan Gambot Bernardino, Chief of Police ng Tacurong City Police Station, ang suspek na si alyas “Kim”, 28, binata, driver at residente ng Purok 4, Gen Luna, Barangay Poblacion, Tacurong City.
Ayon kay PLtCol Bernardino, nakuha mula sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu at isang maroon/gray coin purse, isang unit na Tecno Spark cellular phone at One Thousand Pesos (Php1000) buy-bust money na may serial number na WM337903 at cash na nagkakahalaga ng Php500.
Mas papaigtingin pa ng ating kapulisan ang kampanya laban sa mga taong lumalabag sa batas upang masiguro ang siguridad at kaligtasan ng ating mamamayan para sa isang maunlad na Bagong Plipinas.
Panulat ni Pat Rhesalie Umalay