Nagtapos ang kabuuang 146 Caraga police sa Crew-Served (Negev, Machine Gun) Weapon Manipulation and Deployment matapos ang joint closing ceremony na ginanap sa Police Regional Office 13 Grandstand nito lamang Mayo 9, 2024.
Ang 2-day seminar ay isinagawa ng Regional Learning and Doctrine Development Division ng Police Regional Office (PRO) 13 sa pakikipag-ugnayan sa Regional Special Training Unit (RSTU)13.
Ayon kay Police Brigadier General Kirby John B Kraft, Regional Director ng PRO13, ang mga kalahok sa nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng mga pulis na nakatalaga sa mobile forces at nahahati sa apat na cluster upang matugunan at mapakinabangan ang kanilang mga pangangailangan sa pagsasanay.
Ang unang cluster na binubuo ng 40 kalahok ay lumahok sa pagsasanay na ginanap noong Abril 11 hanggang 12 sa RSTU13 sa Santiago, Agusan del Norte at sinundan ng pangalawang cluster na binubuo ng 35 kalahok noong Abril 26 hanggang 27 sa Agusan del Sur.
Ang ikatlo at ikaapat na cluster na may kabuuang 67 kalahok, ay nagkaroon ng kanilang pagsasanay mula Abril 18 hanggang 24 sa Surigao del Sur at Surigao del Norte ayon sa pagkakasunod.
“The types of machinery stand as a symbol of our shared commitment to serve and protect the people from threats to peace and order. Its precision, power, and reliability make it a formidable tool in the hands of a well-trained police officer. Rest assured that the Caraga police will optimize the use of these logistical resources coupled with our responsibility of ensuring that these resources have been handled with care,” ani PBGen Kraft.
anulat ni Pat Karen Mallillin