Nakiisa ang kapulisan sa isinagawang Free Giving Charity Service na handog ng Andres Bonifacio Lodge No. 199 para sa mga residente ng Barangay Habagatan, Talim Island, Binangonan, Rizal nito lamang ika-04 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mr. Reynante Peña, Worship Master, Andres Bonifacio Lodge No. 199, katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A, Philippine Coast Guard Rizal na pinamumunuan ni Coast Guard Lieutenant Alvin A. Austria, Tau Gamma Philippines Talim East Chapter, Emmanuel Baja Chapter 02, Prometheus Rescue and Fire Brigade Inc., Lucman Cures, Rod of Asclepius Travelers Club at mga opisyales ng barangay.
Namahagi ang grupo ng food packs, salamin sa mata, gamot at bitamina para sa mga senior citizen at tsinelas para sa higit limang daang benepisyaryo. Nagkaroon din ng libreng medical at dental check-up at bunot ng ngipin.
Bukod dito, nagbahagi din ng kaalaman ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A patungkol sa Anti-Terrorism at kung ano ang negatibong epekto nito sa kabataan.
Labis naman ang galak at pasasalamat ng mga residente dahil sa ipinaabot na serbisyo ng Andres Bonifacio Lodge No. 199 kasama ang kapulisan at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ang serbisyong ito na inihandog ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga stakeholders na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaroon ng kaukulang pangangalaga mula sa mga propesyonal na doktor at upang maipadama din sa mamamayan na ang ating pamahalaan ay hindi nakakalimot sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.
Panulat ni Pat Angelica Rica S Teng