Nagtungo ang mga kapulisan ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company sa bayan ng Buruanga, Aklan upang magbahagi ng libreng bigas sa mga residenteng nangangailangan nito lamang ika-5 ng Mayo 2024.
Ang hindi matatawarang suporta at serbisyo ng mga kapulisan ay nagbibigay-diin sa kanilang pangako na maglingkod at protektahan ang mga mamamayan sa lahat ng oras.
Sa pagtataguyod ng adbokasiya ng pagmamalasakit at pagtutulungan, ipinakita ng 2nd Aklan PMFC ang kanilang dedikasyon sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.

Sa panahon ng krisis at pangangailangan, hindi lamang sila nagiging instrumento ng pagpapatupad ng batas, kundi pati na rin ng bilang pag-asa sa mga nangangailangan.
Ang kanilang hangaring magbigay ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon na maging katuwang sa pag-unlad ng bawat mamamayan.
Ang 2nd Aklan PMFC ay patuloy na nagseserbisyo sa bayan. Sa kanilang simpleng paraan ng pagtulong, sila ay naging simbolo ng pag-asa at pagkakaisa sa bawat residente ng Buruanga, Aklan.
Source: PCADG WESTERN VISAYAS
Panulat Pat Justine Mae Jallores