Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pamaypay at masustansyang pagkain sa tinatayang 70 na mag-aaral ng Grades 4 to 6 ng Burgos Elementary School sa Barangay Burgos, Talibon, Bohol noong Abril 23, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Amelito M Melloria, hepe ng Talibon Municipal Police Station kasama si Pastor Ariel G Josol, Kasimbayanan Adviser at mga Interns ng Buenavista Community College.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa best practices na G.O.O.D.C.O.P.S. (Generous Officers Offering Desirable Deeds; for a Genuine Community Outreach Programs and Services) na naglalayong makapaghatid ng ngiti at saya sa mga bata.
Hindi pa rin tumitigil ang kapulisan sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo para sa mamamayan lalo na sa mga kabataan para sa mithiin ng pamahalaan na magandang kinabukasan para sa Bagong Pilipinas.
Source: Talibon Police Station
Panulat ni Pat Monica W Labajo