Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang Team Leader ng New People’s Army (NPA) matapos sumuko sa pulisya sa Purok 3, Barangay Noa, Magpet, Cotabato nito lamang ika-22 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gilberto B Tuzon, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “Ka Choi/Idoy”, 53, Team Leader ng teroristang grupo mula sa Milisya ng Bayan (MB-Abe) ng GFC 53, SRC 3, SMRC.
Pahayag ng Former Rebel na puro hirap at gutom ang dinanas niya sa loob ng grupo at nais na niyang mamuhay ng mapayapa kaya tumiwalag ito at napagpasyahang sumuko sa gobyerno.
Napadali naman ang pagsuko nito sa patuloy na pagsisikap at negosasyon ng mga tauhan ng Magpet Municipal Police Station at Cotabato Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit.
Ibinunyag naman ng FR ang kanyang naging tungkulin bilang miyembro ng Milisya ng Bayan ay subaybayan ang mga galaw ng kanyang mga kasamahan sa loob ng barangay at maghatid ng mga pangunahing suplay sa armadong grupo na nasa bulubunduking lugar.
Dahil dito ay isasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ang naturang Team leader para tuluyan ng makapagbagong buhay.
Patuloy naman ang panawagan ni PCol Tuzon sa mga iba pang CTG members na makiisa at magbalik-loob sa pamahalaan tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Kherwin Jay Medelin