Arestado ang isang Top 4 Regional Most Wanted Person sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng Camarines Norte PNP sa Barangay Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte nito lamang ika-22 ng Abril 2024.
Kinilala ang akusado na si alyas “Onyok”, 37, walang asawa at residente ng Capalonga, Camarines Norte.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya ng pulisya sa pagtugis sa mga taong nagkasala sa batas at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa maayos at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia