Isang makabuluhang araw ang naganap sa pagsasagawa ng Bisita Eskwela ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit ng National Capital Region na ginanap sa Sta. Ana Elementary School, Barangay Sta. Ana, Maynila nito lamang Lunes, Abril 22, 2024.

Ang aktibidad ay personal na pinangasiwaan ni Police Major Marlon U Banania, Deputy, RPCADU-NCR bilang tagapagturo kasama din ang mga Guro ng nasabing paaralan.
Ibinahagi sa mga mag-aaral ang patungkol sa mga masasamang epekto ng ilegal na droga at Anti-Bullying. Masigla namang nakiisa ang mga estudyante mula Grade 3 at 4 sa nangyaring pagtuturo. Namahagi din ng mga IEC Materials bilang babasahin ng mga bata.

Layunin nitong ipaalam at dagdagan ang mga karunungan ng bawat mag-aaral upang mailayo at hindi maging biktima ng mga masasamang gawaing ito at makapagtapos ng kanilang pag-aaral para sa isang magandang kinabukasan.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos