Nagsagawa ng security assistance ang kapulisan ng Calaca Municipal Police Station para sa Padyak ng Katapangan CALA-COURAGE Sportsfest Bicycle Racing na ginanap sa City Hall Grounds ng Calaca, Batangas nitong ika-20 ng Abril 2024.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ganitong pagtitipon upang maiwasan ang pag-atake ng mga masasamang loob.

Nakahanda naman ang buong hanay ng PNP para sa pagkamit ng katahimikan at patuloy naman na pinag-iingat ang publiko sa mga maaaring modus ng masasamang loob.
Source: Calaca MPS
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales