White Island, Hot Springs at Sunken Cemetery, ilan lang ito sa mga yaman ng Isla ng Camiguin sa Northern Mindanao. Dahil sa kasaysayan bilang isang Volcanic Island, isa ito sa pinakamayabong at malago na isla sa Pilipinas sa likas na yamang lupa at dagat. Sa katunayan, meron itong tatlumpo’t isang (31) idineklarang mga lugar na marine protected. Dahil dito, patuloy pang iniingatan at pinagyayaman ng Lokal na Gobyerno at ng Kapulisan sa Rehiyon 10 ang Isla.
Noong Setyembre 25-26, 2021, dumalo ang PNP PRO 10 sa pangunguna ni Police Brigadier General Rolando B Anduyan, Regional Director sa isang Ride and Dive activity na naaayon sa PNP KaligKasan Program at pagdiriwang ng Maritime at Archipelagic Nation Awareness Month tuwing Setyembre.
Pinangunahan ng Lokal na Probinsya ng Camiguin at PRO 10 kasama ang DENR Camiguin, JEJORS Construction Corporation, Ajis Aqua Sports & Beach Resort, Buddy Dive Center, Maritime Pulis CagayandeOro Marpsta at iba pang civilian volunteer divers ang paglalagay ng mga Mooring Buoys at artipisyal na bahura sa Isla ng Mantigue sa Camiguin upang itaguyod ang buhay dagat sa lugar at makontrol ang pagguho ng lupa sa ilalim ng dagat. Maiiwasan rin ang karagdagang pinsala sa mga sensitibong lugar ng coral reef habang pinapayagan ang industriya ng turismo.
###
Article by: NUP Sheena Lyn M Palconite – RPCADU 10