Napasakamay ng mga awtoridad ang Regional Most Wanted Person na may pabuyang Php100,000 matapos arestuhin kasunod ng paghain ng Warrants of Arrest sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention sa Purok 1, Barangay Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte nito lamang Abril 8, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Joselito E Villarosa Jr, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office, ang wanted person na si Arnel, 58 anyos at residente ng nasabing lugar.
Bandang 8:20 ng gabi nang maaresto ang akusado ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Sta. Elena Municipal Police Station, Camarines Norte PIU, CIDG Cordillera, CIDG PRO5, CIDG Camarines Norte PFU, RSOU at Special Project Group DILG sa bisa ng Warrants of Arrest para sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention na walang piyansa.
Sa pamamagitan ng determinasyon ng mga kapulisan ng PNP Bicol, mas papaigtingin pa nila ang kanilang pagganap sa tungkulin at operasyon upang mapanagot ang mga wanted person at masiguro ang seguridad ng mga mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia