Tuesday, May 13, 2025

PBGen Lucas, nagsagawa ng command visit sa lalawigan ng Rizal PPO

Buong sigla at kasiyahan ang ipinakita ng mga kawani ng Rizal Police Provincial Office sa pagdating ni Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng PRO 4A sa Camp MGen Licerio I. Geronimo, Taytay, Rizal noong Lunes, ika-8 ng Abril 2024.

Pinangunahan ni PCol Felipe B Marraggun, Provincial Director ng Rizal PPO, at ang Command Group ng lalawigan ang mainit na pagtanggap sa Regional Director.

Sa kanyang mensahe, mariin na ipinagtibay ni Regional Director Lucas ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin ni Chief, PNP, PGen Rommel Francisco D Marbil tungo sa pagtatatag ng “Bagong Pilipinas.”

Layunin ng nasabing proyekto na magkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan.

Kasabay ng kanyang pagdalaw, pinuri ni PBGen Lucas ang mga natatanging tagumpay ng Rizal Police Provincial Office sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad, partikular sa mga operasyon laban sa ilegal na droga, sugal, at pag-aresto sa mga Most Wanted Persons.

Binigyang diin din niya ang matagumpay na pagtugon ng tanggapan sa katatapos lamang na Semana Santa, na nagresulta sa malaking pagbaba ng krimen sa buong lalawigan ng Rizal.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagpasalamat si RD Lucas sa mainit na pagtanggap ng mga kawani ng Rizal PPO at hinikayat ang lahat na magpatuloy sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pag-aalaga sa bayan at mamamayan.

Source: PRO4A-PIO

Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles