Kalaboso ang Regional Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong 2 Counts of Rape sa Purok Sampaloc, Barangay Barurao 2, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang April 2, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel William L Facsoy Jr, Hepe ng Lebak Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Gen”, 19, binata, magsasaka at residente ng Purok Centro, Sitio Ebi, Barangay Christianuevo, Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon kay PLtCol Facsoy, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Lebak MPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group 12 SKPFU, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Delta, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company at 5th SOU MG.
Dagdag pa ni PLtCol Facsoy, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Vina C morales